Bumalik sa Hub

Form para sa Request for Higher Spending Limit (Unang Bahagi)

Request Form Page 1
1
2
3
4
5
6
7

Status of Approval at Processing (Pangalawang Bahagi)

Request Form Page 2
8
9
10
11
12
13

* Ang mga larawan sa itaas ay nagpapakita ng dalawang bahagi ng form bilang gabay.

Gabay sa Pag-fill out at Approval ng Form

1. Bahagi 1: Pag-fill out ng Form (Mula sa Unang Larawan)

1

Petsa (Itaas)

Isulat ang kasalukuyang petsa kung kailan mo pinupunan ang form na ito.

2

PDL Number

Ilagay ang iyong opisyal na Person Deprived of Liberty (PDL) ID Number.

3

Buong Pangalan ng PDL

Isulat nang malinaw ang iyong pangalan sa ganitong pagkakasunod-sunod: Apelyido, Unang Pangalan, at Gitnang Pangalan.

4

Halaga ng Hinihiling na Limit

Ilagay sa patlang ang eksaktong halaga (sa Pesos) na nais mong idagdag sa iyong spending limit.

5

Rason ng Kahilingan

Lagyan ng tsek (✓) ang kahon na tumutukoy sa iyong rason. Kung ang rason ay wala sa pagpipilian, i-tsek ang "Other (Iba pa)" at isulat ito sa patlang.

6

Lagda ng PDL

Pirmahan sa ibabaw ng iyong nakalimbag na pangalan upang patunayan na totoo ang iyong kahilingan.

7

Petsa (Ibaba)

Isulat muli ang petsa kung kailan mo nilagdaan ang form na ito.


2. Bahagi 2: Approval at Pagpoproseso (Mula sa Pangalawang Larawan)

8

Status of Approval (For BuCor Official)

I-tsek kung Approved o Not Approved ang kahilingan.

9

Comments (For BuCor Official)

Isulat ang mga kumento o rason kung bakit approved o not approved ang kahilingan.

10

Lagda ng Opisyal (BuCor)

Pirmahan sa ibabaw ng pangalan ng opisyal ng BuCor na uma-apruba.

11

Petsa (BuCor Approval)

Isulat ang petsa kung kailan in-aprubahan ang kahilingan.

12

Lagda ng Staff (Icarus)

Pirmahan sa ibabaw ng pangalan ng staff ng Icarus na nag-proceso.

13

Petsa (Icarus Processing)

Isulat ang petsa kung kailan prinoseso ang kahilingan.